^

Police Metro

Tiyo sinermunan ang 15-anyos na pamangkin, pinatay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 41-anyos na lalaki nang siya ay pagtatagain sa leeg ng kanyang 15-anyos na pamangkin na nagalit sa masasamang salita na binitawan ng una naganap sa Brgy. Magapo sa Tabaco City, Albay kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinila­lang si Randy Biong Urbistondo, magsasaka, ng Brgy. Bonot. Sumuko naman sa mga pulis at hawak na ng City Social Welfare ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Tope”, grade 8 at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-9:50 ng gabi ay dumalaw sa mga kapatid at mga kaanak sa naturang barangay ang biktima at nagkaroon nang-inuman.

Nang malasing ay nahiga sa kawayang upuan ang biktima at nakita ang pamangkin ay sinermunan umano nito na hindi nagustuhan ng huli kaya’t kumuha ng itak at pinagtataga sa leeg na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with