2 Rider utas sa salpok

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang motorcycle rider nang bumangga ang minamaneho nilang motorsiklo sa poste ng ilaw sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina John Dejasco, nasa hustong gulang, ng Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City; at si Rolando Requillas, 34, ng Brgy. Malagasang 2-C, Imus City, Cavite.

Dakong alas-10:00 ng gabi ay minamaneho ni Dejasco ang kanyang motorsiklo galing sa Palapala na tinatahak ang Governor’s Drive patungo sa Trece Martires City at pagsapit sa Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas pumihit ito pakanan, subalit nagdire-diretso ito sa poste ng Meralco at sumalpok na agad nitong ikinasawi.

Dakong alas-12:15 ng madaling araw kahapon nang bumangga rin sa poste ng Meralco si Requillas binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Alapan 1-C, Imus City, Cavite.

Show comments