^

Police Metro

Higit P27 milyong shabu samsam sa 4 ‘tulak’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigit P27-milyong halaga ng shabu ang nakum­piska ng mga awtoridad mula sa apat na drug suspects sa isang joint buy-bust operation sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Ronnie Montejo, ang mga suspek na sina Jinky Pascio Arbolado, Jhon Christopher Guzman, Cristina Burill, at Siloren Tabiano, pawang nasa hustong gulang, at residente ng lungsod, ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng QCPD La Loma Police Station (PS 1) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang magkasa ng buy-bust ang mga awtoridad sa Biak na Bato kanto ng Cuenco St., Brgy. Sto. Domingo, matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek.

Nang makabili ang poseur buyer ng shabu mula sa mga suspek na dumating sakay ng isang kulay itim at puting Honda Civic type R na may plakang WFC-653 at tanggapin ng mga ito ang marked money ay kaagad silang dinampot ng mga awtoridad.

Bukod sa buy-bust money, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang may 4,000 gramo ng shabu na may street value na P27,200,000 at limang cell phones.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with