^

Police Metro

Anti-Terror bill nilagdaan na ni Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
Anti-Terror bill nilagdaan na ni Duterte
Kapwa kinumpirma nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Interior Secretary Eduardo Año ang bagay na ito.Ang bagong Anti-Terrorism bill ay nilagdaan ng Pa­ngulo ilang araw bago mag-‘lapse into law’ ito nang ipadala ng Kongreso noong Hunyo 9.
File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga protesta at pagtutol na isa nang ganap na batas ang Anti-Terror bill nang pirmahan ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naglalayong palakasin pa ang Human Security Act of 2007 para mapigilan ang paglaganap ng terorismo sa bansa.

Kapwa kinumpirma nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Interior Secretary Eduardo Año ang bagay na ito.Ang bagong Anti-Terrorism bill ay nilagdaan ng Pa­ngulo ilang araw bago mag-‘lapse into law’ ito nang ipadala ng Kongreso noong Hunyo 9.

Sa ilalim ng Anti-Terrorism Act, mas maliwanag ang pakahulugan at mga elemento ng krimen ng terorismo.Sakop din ang terorismo sa labas ng bansa.

Sabi ng mga may-akda, protektado umano nito ang lehitimong paggamit sa kalayaan ng pamamahayag at pagtitipon-tipon.Puwede ring kasuhan ang pagpaplano at paghahanda na maghasik ng terorismo.

Pinalalawig rin ang panahong puwedeng manmanan ang hinihinalang terorista basta may basbas ng korte at tanggal din ang safeguard na P500,000 multa kada-araw sa maling pagkulong at pag-freeze ng assets ng hinihinalang terorista.

Pero, ang pinakakontrobersyal dito ay puwedeng makulong ang hinihinalang terorista nang 14 hanggang 24 araw nang walang kaso at habambuhay na pagkakulong na walang parole ang ipapataw sa mga mapapatunayang terorista.

vuukle comment

ANTI-TERROR BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with