^

Police Metro

P5.14 bilyong shabu nasabat sa Bulacan raid

Omar Padilla - Pang-masa
P5.14 bilyong shabu nasabat sa Bulacan raid
Kinilala ni PNP Chief Director Gen. Archie Francisco Gamboa ang mga nadakip na suspek na sina Yuwen Cai, isang Chinese at dalawang kasamang Pinay na sina Angela Miole Tulio at Lyn Miole Tulio.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG), Bulacan Provincial Police Office at Marilao Police matapos na masabat ang nasa 756 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.14 bilyon at maaresto ang tatlong drug suspects kabilang ang isang Chinese national sa isina­gawang pagsalakay sa isang bodega sa Reley St. Marilao, Bulacan nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni PNP Chief Director Gen. Archie Francisco Gamboa ang mga nadakip na suspek na sina Yuwen Cai, isang Chinese at dalawang kasamang Pinay na sina Angela Miole Tulio at Lyn Miole Tulio.

Ayon kay Gamboa, maaaring mapagkakatiwalaang tauhan ng sindikato ng droga ang naturang Chinese habang ang dalawang Pinay ay posibleng katulong nito sa pagmamantine ng nasabing warehouse.

Sa ulat, pasado-alas-3 ng hapon nang lusubin ng mga operatiba ang bodega sa #2 Reley St., Barangay Lias, Marilao na sinasagawa ng PNP Drug Enforcement Group sa pamumuno ni PNP-DEG Director Brig. Gen Romeo Caramat Jr. kasunod ng mga surveillance operations sa naturang lugar. Nasamsam sa naturang warehouse ang may 63 kahon na naglalaman ng nasa 756 kilo ng shabu.

Sinabi ni Gamboa na maituturing ito na isa sa mga pinakamalaking drug hauls sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Dahil sa napakala­king dami ng nakum­piska na shabu, maaari rin aniyang sinadya ito upang maipamahagi sa Visayas at Mindanao.

Nagbanta naman si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga drug pusher sa bansa kasunod ng pagkakasabat ng nasabing droga sa Bulacan. Patunay aniya ito na seryoso ang gobyerno sa drug war nito. Pinu­ri rin niya ang PNP sa matagumpay na pagkakasamsam ng P5.14- bil­yong shabu sa nasabing drug operation.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with