Pagbabayad ng SSS contribution pinalawig
Angie dela Cruz (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Social Security System (SSS) ang pagbabayad ng kontribusyon ng mga miyembro nito ng hanggang Hunyo 15 dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Ayon sa SSS, ang bagong extension ay para sa contribution payments ng lahat ng household employers, self-employed, voluntary at non-working spouse members para sa first quarter ng 2020 at sa contribution payments ng lahat ng regular employers para sa buwan ng Pebrero, Marso at Abril 2020.

Ang mga employers na may approved installment proposals sa ilalim ng Contri­bution Penalty Condonation Program ay may hanggang June 15, 2020 rin para magdeposito ng kanilang post-dated checks na due sa buwan ng Pebrero. Marso, Abril at Mayo 2020.

Sinabi ni SSS President and CEO Aurora Ignacio, ang extension ay upang ma­bigyan ng sapat na panahon ang mga miyembro at employers na mabayaran ang kanilang kontribusyon na epekto ng mga restrictions dahil sa banta ng COVID-19.

Maaari anyang gamitin ang online at mobile payment facilities bukod sa over-the-counter transactions sa pamamagitan ng SSS branches at kanilang bank at non-bank partners.

Wala namang kontribusyon na gaga­wing retroactive para sa mga self-employed, voluntary, o non-working spouse member sa pagdetermina ng kanyang eligibility para sa anumang benepisyo.

SSS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with