Ang House Bill (HB) 6817 o ang COVID-19 Related Discrimination Act, ay iniakda ni 6th District Quezon City Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte upang tuldukan ang dis­kriminasyon na nararanasan ng mga frontliners, OFWs at maging ang mga Person­ Under Investigation (PUIs) at mga nagpositibo sa corona­virus.
STAR/Edd Gumban, file
COVID-19 Anti-Discrimination Act, pasado na sa Kamara
Joy Cantos (Pang-masa) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakapasa na sa pinal at ikatlong pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagbabawal sa dis­kriminasyon laban sa mga frontliners partikular ang mga health workers, service workers, overseas Filipino workers (OFWs) at iba pa na may kinalaman sa COVID-19.

Ang House Bill (HB) 6817 o ang COVID-19 Related Discrimination Act, ay iniakda ni 6th District Quezon City Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte upang tuldukan ang dis­kriminasyon na nararanasan ng mga frontliners, OFWs at maging ang mga Person­ Under Investigation (PUIs) at mga nagpositibo sa corona­virus.

Sa botong 204 pabor, walang tumutol at isa ang abstain ay nakapasa sa pinal at ikatlong pagbasa ang Anti-COVID Discrimination Act.

“The bill provides pe­nalties for stigmatization, ha­rassment, assault, and unreasonable refusal to honor valid and existing contracts on the basis of COVID-19,” pahayag ni Belmonte.

Isinulong ni Belmonte ang nasabing panukalang batas dahil marami sa mga health workers partikular na ang mga doktor at nurses ang dumaranas ng matin­ding diskriminasyon sanhi ng COVID-19 kung saan ay may mga napapalayas sa mga boarding house.

COVID-19 OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with