Kaso ng mga kawani ng ABS-CBN, pinakakalkal sa Kamara

Hinimok din ng kongresista ang pamunuan ng himpilan na isumite sa House Committee on Legislative Franchises at House Committee on Public Order and Accoun­tability ang 2018-2019 alpha-list ng withholding tax report ng ABS-CBN employees na isinumite sa Bureau of Internal Re­venue (BIR).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinagsusumite ni Deputy Speaker at SAGIP Party­list Rodante Marcoleta ang ABS-CBN ng alpha-list na binayaran ng broadcast networks sa Social Security System, Philhealth at Pag-Ibig sa nagdaang 2018 hanggang 2019.

Hinimok din ng kongresista ang pamunuan ng himpilan na isumite sa House Committee on Legislative Franchises at House Committee on Public Order and Accoun­tability ang 2018-2019 alpha-list ng withholding tax report ng ABS-CBN employees na isinumite sa Bureau of Internal Re­venue (BIR).

Gayundin ang 2018-2019 alpha-list ng kontribusyon ng ABS-CBN sa Employees Compensation Commission (ECC), sa Bureau of Local Employment ng Department of Labor and Employment.

Maging ang listahan ng mga kaso nitong naka­binbin sa National Labor Regulation Commission (NLRC) na inihain ng mga dating empleyado nito ay ipinasusumite rin ni Marcoleta.

“Magkakaalaman na po tayo kung totoo po talaga iyong 11,000 (em­pleyado). Kung hindi po nila isa-submit, Mr. chair I will ask the offices I mentioned here subpoena duces tecum ad testificandum,” dagdag pa ni Marcoleta.

Ipinaliwanag din ni Marcoleta na hindi kasangkot ang press freedom sa usaping ito dahil ang isyu ay ang prangkisa ng frequency na nagkataon na ito ay pag-aari ng estado na limitado kaya kailangang i-allocate at i-regulate ng gobyerno.

Show comments