Bawal pa rin ang backriding sa motor – Eleazar
Doris Franche (Pang-masa) - May 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Hindi pa rin papayagan ang backriding sa mga motorsiklo, kahit pa sa mga mag-asawa, sa kabila ng pagluluwag sa qua­rantine protocols sa Metro Manila”.

Ito ang sinabi ni Police Lieutenant General Guil­lermo Eleazar, commander ng Joint Task Force CO­VID Shield sa Laging Handa press briefing dahil paglabag sa physical distancing.

“Una, violation talaga sa physical distancing at siguro po wine-weigh nila ang pros and cons at sa ngayon, hindi pa po puwede. Kahit pulis hindi po puwede ang angkasan…” wika ni Eleazar.

Ipinagbawal ng natio­nal government ang back-riding sa mga motorsiklo upang masiguro na nasusunod ang social distancing sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Magugunita na iminungkahi ni Ako Bicol party-list Representative Alfredo Garbin Jr. na payagan ng pamahalaan ang motorcycle riders na magkaroon ng isang back-ride sa mga lugar sa ilalim ng GCQ, at sinabing “motorcycle is possibly the only mode of transportation for poor, low-income, and lower middle income segments of the population.”

Sa oras na payagan, dapat magsuot ng helmet at face shields maging face masks ang driver at pasahero at kung hindi susunod ay hindi papayagang makadaan sa checkpoint ang mga ito.

GUIL­LERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with