^

Police Metro

Distribusyon ng 2nd tranche ng SAP, magiging mabilis na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magiging mabilis na ang pamamahagi ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP), lalo na sa mga geographically isolated at disadvantaged areas sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) na  Spokesman at Usec. Jonathan Malaya dahil nakahanda ang PNP para alalayan ang DSWD at mga LGUs sa pamimigay ng ayuda sa mga malalayo at ilang na lugar sa ating bansa para masiguro na matatanggap ito ng ating mga kababayan.

Inaasahan niya na ang payout ng 2nd tranche ng SAP cash aid ay magiging mas mabilis at sistematiko dahil natutunan na ng mga LGUs ang mga pagkukulang sa naunang payout.

Batay sa mga ulat mula sa DSWD, 472 LGU lamang mula sa 1,634 LGU sa buong bansa ang nagkapagsumite ng kanilang mga ulat sa pag-liquidate sa ahensya nitong Mayo 26, 2020.

Binigyang-diin din  ni Malaya na kailangang tanggapin din ng mga LGUs ang mga isinauli o ni-refund na SAP cash aid mula sa mga benepisyaryo na nakatanggap ng katulad na benepisyo mula sa ibang mga ahensya ng gobyerno tulad ng 4Ps, CAMP ng DOLE at SBWS ng SSS.

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with