Mobile Rapid COVID-19 Testing trucks aarangkada

MANILA, Philippines — Upang matiyak na ligtas ang pagbabalik ng mga empleyado sa trabaho sa ‘new normal’ ay aarangkada ang mga Roll Out Mobile Rapid Testing trucks sa COVID 19.

Ito ang sinabi ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera na bahagi ng kanyang programa sa pakikipagtulungan sa Rotary International District 3780 upang mapabilis ang COVID-19 testing at ang Quezon City, ang epicenter ng COVID-19 sa bansa ang magsisilbing pilot test sa naturang proyekto.

Sa kanilang proyekto ay plano muna nilang mag­palabas ng inisyal na limang units ng mobile COVID-19 testing trucks na magsasagawa at magpoproseso  ng rapid antibody tests.

Ang rapid testing pro-jects ay naisakatuparan sa pakikipag-partnership sa B & B Trainings ang Holdings Inc., na mag-aalok sa mga kompanya ng diskuwento sa presyo at abot kayang halaga ng COVID testing kompara sa mga hospital at mga laboratory.

Nabatid pa kay  Herrera na ang kanyang partylist at ang Rotary International District 3780 ay nakipagkasundo sa pamahalaang lungsod ng Quezon City  sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte para makapagsagawa ng rapid testing.

Show comments