^
DepEd pagpapaliwanagin ng Kamara sa balik-eskuwela
Ayon kay Rep. Eric Go Yap, ang paghahain niya ng resolusyon ay bunsod ng magkakaiba at magulong mga pahayag ng iba’t ibang opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan ukol sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto.
STAR/Boy Santos, file

DepEd pagpapaliwanagin ng Kamara sa balik-eskuwela

Joy Cantos (Pang-masa) - May 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang maghain ng resolusyon si ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap para pagpaliwanagin ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) upang malinawan kung ano talaga ang nararapat na gawin ng pamahalaan para sa pagbubukas ng school year 2020-2021.

Ayon kay Yap, ang paghahain niya ng resolusyon ay bunsod ng magkakaiba at magulong mga pahayag ng iba’t ibang opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan ukol sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto.

“Once and for all, ano ba talaga? Safe bang buksan ang klase sa Agosto o hindi? Nalilito ang publiko dahil sa magkakaibang pahayag. Kailangang makasiguro tayo at dapat tama ang aksyon natin dahil kapakanan ng mga estudyante ang nakasalalay dito,” ani Yap.

Magugunita na kamakailan ay mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpahayag na hindi siya payag na magsimula ang mga klase sa bansa hangga’t walang bakuna laban sa virus na COVID-19.

Pero, ayon mismo sa tagapagsalita ng palasyo na si Sec. Harry Roque ay tuloy ang pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24 at maging ang Department of Health at Department of Education, may kanya-kanyang opinyon ukol sa pagbubukas ng klase sa Agosto.

Layunin din umano ng resolution at imbestigasyon na matukoy ang kahandaan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng “new normal” sa mga paaralan, sakaling matuloy ang pagbubukas ng klase.

DEPED ERIC GO YAP KLASE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with