PDEA Director Aquino inalis sa puwesto
MANILA, Philippines — Hindi umano isyu ang “lost of trust and confidence ang pagkakatanggal sa puwesto ni outgoing Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino.
Ginawa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang paglilinaw kasabay ng pagkumpirma na inilipat si Aquino sa Clark International Airport Corporation bilang Board of Directors na kung saan ipinalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ay si Wilkins Villanueva.
Una nang kinumpirma ng tagapagsalita ng PDEA na si Derrick Carreon na hindi nagbitiw bilang director general ng PDEA si Aquino at sa halip ay inalis ito sa puwesto dahil bibigyan ng ibang posisyon sa pamahalaan.
Magugunita na dalawang beses nang pinalitan ni Duterte ang pinuno ng PDEA na noong una, pinalitan niya si dating police general Isidro Lapeña at inilagay si Aquino, at ngayon ay inalis ang huli at inilagay si Villanueva.
Nagpasalamat ang Malacañang kay Aquino sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.
Kumpiyansa naman ang palasyo na pamumunuan ni Villanueva ng may professionalism, passion at integrity ang PDEA.
- Latest