FDA inaprubahan ang 104 test kits

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang 104 test kits products para sa COVID-19 na kung saan nasa 45 sa mga ito ay mula sa China.

Sa tala ng FDA nitong Mayo 22, bukod sa China ang mga nalalabing test kit products ay mula sa Singapore, Estados Unidos, Germany, Ireland, Italy, France, South Korea, Australia, Turkey, United Kingdo, Spain at Luxembourg.
Isa lamang sa naaprubahang test kit ang mula sa Pilipinas na Manila HealthTek, Inc. na nakabase sa Marikina City.

 Matatandaan na ipina-recall ng FDA ang test kits na nilikha ng UP-National Health Institute nang matagpuan umano ng depekto.

Nasa 59 sa mga produkto ay para sa rapid testing habang 45 ay para sa PCR-based testing.

Pinakahuling inaprubahan ng FDA ang apat na PCR-based at pitong antibody rapid test-kit products.

Show comments