^

Police Metro

Pamimigay ng 2nd tranche ng SAP may ‘go signal’ na

Malou Escudero - Pang-masa
Pamimigay ng 2nd tranche ng SAP may �go signal� na
Ayon kay Presidential Spokeperson Harry Roque, noong Biyernes pa ipinalabas ng Office of the Executive Secretary na puwede ng si­mulan ang pamamahagi ng pondo na kasama sa mabibigyan ang 5 milyon karagdagang pamilya.
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Maaari nang ipamahagi ang second tranche ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP) bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Presidential Spokeperson Harry Roque, noong Biyernes pa ipinalabas ng Office of the Executive Secretary na puwede ng si­mulan ang pamamahagi ng pondo na kasama sa mabibigyan ang 5 milyon karagdagang pamilya.

Idinagdag ni Roque na dapat ay patuloy at umuusad ang pamamahagi ng pondo at sa katunayan, gagamit ang pamahalaan ng electronic means para sa subsidy system.

Ang pagkakaiba aniya ay gagamitan na ng electronic ways para magbayad sa mga kababayan at tutulong na rin ang hukbong sandatahan sa pagdi-distribute ng ayuda.

Naglaan ang pamahalaan ng P200-billion emergency package para sa mahihirap na pamilya para tulungan ang mga apektado ng COVID-19 crisis.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, ang bawat beneficiary ay makatatanggap ng mula P5,000 at P8,000 nang dalawang ulit para sa buwan ng Abril at Mayo base sa minimum wage rates sa rehiyon.

Sinabi ng DSWD na ipinalabas na nito ang P98.9 bilyong cash aid sa 17.5 milyong mahihirap na pamilya sa ilalim ng programa.

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with