Sa naturang post, nag-alok ang netizen ng P200 milyong pabuya sa sinumang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapapatay kina Locsin at iba pang artista na sina Kim Chiu at Coco Martin.
ABS-CBN/Released
Netizen na nagbanta kay Angel Locsin, ATBP sumuko
Malou Escudero (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa takot na aa-restuhin, kusang-loob na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaking netizen na umano’y nagbanta na ipapapatay ang aktres na si Angel Locsin at ibang artista ng ABS-CBN sa isang post sa Twitter.

Sumuko sa NBI-Southeastern Mindanao ang suspek na itinago muna ang pangalan, 25-anyos, isang diver sa Samal sa Davao Del Norte.

Sinabi ng suspek na hindi siya ang may gawa ng post sa Twitter na may username na NJ Abellanosa at useraccount na @AbellanosaNj. 

Iginiit ng netizen na hindi siya ang may-ari ng naturang Twitter account at pinag-aaralan ngayon kung ninakaw ang kanyang litrato ng “poser”.

Upang patunayan na hindi sa kanya ang Twitter account, isinuko ng sumukong suspek ang kanyang cellular phone sa NBI para isailalim sa eksaminasyon.

Sa naturang post, nag-alok ang netizen ng P200 milyong pabuya sa sinumang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapapatay kina Locsin at iba pang artista na sina Kim Chiu at Coco Martin.  Nagbanta rin na pasasabugin ang ABS-CBN compound.

“Isa ka ba sa mga supporter ni Pangulong Duterte at GMA? Pwes, I will give you 200-million sa sinumang mga Duterte at GMA supporters ang makapatay kina Kim Chiu, Coco Martin at Angel Locsin. Makakasama n’yo ang NPA para pasabugin ang ABS-CBN compound,” laman ng Twitter post.

Dito kinalampag ni Locsin ang NBI sa kanyang post sa kanyang Ins­tagram account: “Hello NBI? Beke nemen po...”

Matapos ang post ni Locsin, naglabas ng pahayag ang NBI na mag­sasagawa ng agarang aksyon sa lahat ng uri ng pagbabanta at hinikayat na pormal na magreklamo sa kanila. - Danilo Garcia

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with