4,904 kawani ng Caloocan City Hall sumailalim sa rapid testing

MANILA, Philippines — Umaabot sa 4,904  empleyado ng Caloocan City Hall ang isinailalim sa COVID-19 rapid ­testing upang malaman kung sino ang positibo at negatibo bago makabalik sa trabaho.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na nais niyang masiguro na negatibo sa virus ang lahat ng mga empleyado hindi lang para sa kanilang kaligtasan, kundi para sa kapakanan din ng mga mamamayan na maaari nilang makahalubilo habang sila ay nagbibigay-serbisyo.

Pangungunahan ng mga health workers ng Caloocan City Medical Center (CCMC) at Caloocan City North Medical Center (CCNMC) ang isasagawang rapid testing para sa lahat ng kawani ng lungsod.

Show comments