ABS-CBN binigyan ng provisional franchise

MANILA, Philippines — Nag-file kahapon ng bill si House Speaker Alan Peter Cayetano upang bigyan ng ang ABS-CBN Corp. ng provisional franchise hanggang October 2020, dahil kailangan ng Kongreso na makapokus para labanan ang coronavirus crisis at mabigyan ng sapat na panahon upang matalakay ang “controversial” application sa panibagong 25-year franchise. 

“Through this measure, we hope to strike a balance between the immediate needs of the people amid this crisis and the duty of Congress to ensure accountability to our present laws,” ayon sa binasang bill.

Ang House Bill No. 6732 ay pinagkalooban ang ABS-CBN ng provisional franchise para makapag-operate hanggang October 31, 2020, bago pag-usapan ang long-pending bills na bigyan ang media giant license na makapag-broadcast sa panibagong 25 taon.

Related video:

Show comments