3 inaresto sa pagsusugal sa kalye

MANILA, Philippines — Bagsak sa kulungan ang tatlong katao nang maaktuhan sila na naglalaro ng “tong-it” sa bangketa, sa kabila ng umiiral na curfew kaugnay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Ang tatlo na kinasuhan sa Muntinlupa City Pro­secutor’s Office sa paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling) ay sina Ryan Gepilgon, 29, fruit vendor; Jomar Sapugar, 35, jobless; at Tasie Trocio, 30, installer, pawang residente ng Phase 4, Southville 3, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Sa ulat,alas-8:15 ng gabi nang arestuhin ng mga nagpapatrolyang pulis ang mga suspek sa aktong nagsusugal matapos na makatanggap ng sumbong ang pulisya.

Show comments