^

BSP inaprubahan ang $2.38 bilyon utang

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para pondohan ang iba’t ibang programa ng pamahalaan kabilang ang mga proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build program” ay inaprubahan ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang US$2.38-bilyong utang panlabas sa unang quarter ng 2020.

Ipinagmalaki ng BSP na mas mababa ang uutangin na US$1.04-Bilyon o 30% ng US$3.42-Bilyon na inutang sa unang quarter noong nakaraang 2019.

Popondohan ng utang ang “general financing requirements” ng pamahalaan; mga proyektong pang-imprastruktura at pang-transportasyon at implementasyon ng Philippine Competition Act; at mga proyekto sa trabaho ng kabataan at pagpapatibay laban sa kalamidad.

Nasa 9.23% o US$219.8 milyon ng pondo ay gagamitin sa “flagship project” sa imprastruktura ng pamahalaan sa ilalim ng “Build, Build, Build” partikular ang mga nasa ilalim ng Project Management Consultancy ng Philippine National Railways South Long Haul Project.

Sa ilalim ng Section 20 Article VII ng 1987 Constitution, kinakailangan na “contracted o guaranteed” ng pamahalaan ng Pilipinas ang anumang utang panlabas bago ito aprubahan ng BSP sa pamamagitan ng MB.

BSP MONETARY BOARD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with