^

Police Metro

Pag-utang sa IMF at World Bank sagot sa COVID crisis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para masolusyunan ang pangtustos sa lahat ng mga Pinoy na apektado ng pandemic na CO­VID-19 ay iminumungkahi ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap na pwedeng umutang ang pamahalaan sa International Monetary Fund at sa World Bank.

Ayon kay Yap, chairman ng appropriation committee sa Kamara, na siguradong papauta­ngin ang Pilipinas dahil maganda ang credit ra­ting ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Yap, na pwedeng makautang hanggang P1 trillion sa IMF o sa World Bank para masigurong mabibigyan ng ayuda ang lahat ng Filipino na apektado ng pansamantalang pagtigil ng ekonomiya dahil sa ipinapatupad na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ).

“Kung ako ang masusunod as chairman ng appropriation committe, gusto ko lahat ng Filipino mabigyan ng cash assistance pero siyempre depende sa executive branch ‘yan,” ayon kay Yap.

Layunin ni Yap na mabigyan lahat ng Filipino lalo na ang mga frontliners, maging mga pulis, sundalo, OFW, seamen, barangay ­officials at iba pa na hindi makapagtrabaho dahil sa lockdown.

Pero iminungkahi rin niya na dapat ay exempted sa tulong ang mga mil­yonaryo at pamilya nito, mga senador at congressmen, cabinet officials, maging mga governor at mayor.

vuukle comment

WORLD BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with