^

Police Metro

COVID-19 sa Pinas: 2,084 positibo, 88 patay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 2,084 ang positibong kaso ng coronavirus disease (CO­VID-19) sa Pilipinas habang nasa 88 na ang mga nasawi sa sakit, base sa update ng Department of Health (DOH) nitong Martes ng hapon.

Sa Case Bulletin No. 17 dakong alas-4 ng hapon, nasa 538 bagong kaso ng COVID-19 ang naidagdag. Binigyan sila ng patient numbers PH1,547 hanggang PH2,084.

Sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, ang pagtaas ng bilang ay dahil sa pagdami na ng operational na mga COVID-10 laboratory testing centers at mga testing kits.

Umabot naman sa 88 ang death toll matapos na 10 na pasyente ang tulu­yang nasawi.  Walo sa mga nasawi ay pawang mga senior citizens.

Kasama sa mga nasawi sina PH935 na isang 83-anyos na Filipino mula sa Parañaque City; PH798 na isang 74-anyos na Filipino mula sa Quezon City; PH1419 na isang 69-anyos na Filipino mula sa Quezon City; PH1032 na isang 64-anyos buhat sa Maynila; PH2045 na isang 60-anyos na Filipino na taga-Quezon City.

Nalagutan din ng buhay sina PH1372 na isang 89-anyos na Filipino buhat sa Caloocan City; PH1508 na isang 72-anyos na Filipino buhat sa Rizal; PH862 na isang 78-anyos na Filipino na taga-Quezon City; PH1240 na isang 51-an­yos na Filipino mula sa San Juan City at si PH1680 na isang 51-anyos na Filipino mula sa Rizal.

Pito naman sa mga positibong pasyente ang tuluyang gumaling kaya tumaas sa 49 ang kabuuang datos ng nakarekober. Kabilang dito ang apat na senior citizen na na-discharge na sa mga pagamutan.

Related video:

vuukle comment

CO­VID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with