Holdaper nanlaban, todas
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - March 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa halip na sumuko matapos makorner ng mga otoridad ay nanlaban pa umano ang dalawang holdaper kung kaya’t napatay ang isa rito kamakalawa ng gabi sa Brgy. 171, North Caloocan, Caloocan City.

Bago naganap ang shootout, alas-8:00 ng gabi ay naghihintay ng masasakyan ang biktima na itinago sa pangalang Mary, isang negosyante nang lapitan ng dalawang lalaki at nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng dalawang holdaper ang bag ng biktima na may laman na mahigit P400,000 cash at alahas na nagkakahalaga ng P40,000.

Nang tumakas ang dalawang holdaper ay napadaan ang nagrorondang mga pulis at humingi ng tulong ang biktima kaya’t hinabol ang mga suspek.

Nakorner ng mga pulis ang dalawang suspek, su­balit sa halip na  sumuko ay nakipagbarilan umano ang mga ito kaya’t nasawi ang isang suspek na si alyas Michael habang naaresto ang kasamanito.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with