^

Police Metro

Digong dumalaw sa puntod ng magulang

Malou Escudero - Pang-masa
Digong dumalaw sa puntod ng magulang
Kasama si Senator Bong Go, dinalaw ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang mga magulang sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City kamakalawa ng gabi kasabay ng paggunita ng ika-52 anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama na si Vicente Gonzales Duterte.

MANILA, Philippines — Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes ng gabi ang puntod ng kanyang mga magulang sa Roman Catholic Ceme­tery sa Davao City.

Ginunita ng Pangulo ang ika-52 anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama.

Sinamahan ang Pa­ngulo ng kanyang dating aide at ngayon ay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.

Dumating ang Pa­ngulo sa sementeryo dakong alas-10 ng gabi kung saan nagdala siya ng bulaklak.

 Kalimitang binibisita ng Pangulo ang puntod ng kanyang mga magulang tuwing All Saints’ Day, anibersaryo ng kanilang kamatayan at kanilang birthdays.

Matatandaan na noong 2016 presidential elections, matapos magtala ng malaking lamang sa kanyang mga kalaban, binisita rin ni Duterte ang puntod ng mga magulang.

Ang ama ng Pangulo na si Vicente Gonzales Duterte ay ipinanganak noong Nob. 23, 1911 sa Danao, Cebu at yumao noong Pebrero 21, 1968.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with