3 pusher sa Quezon City, timbog sa P2 milyong shabu
Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina John Paul Santos, alyas Ampol, 31, ng Brgy. Rizal, Makati City; Way Ybañez, 29, tubong Batangas at Russel John Solero alyas RJ, 27, ng Brgy. Rizal, Makati City at nasamsam sa kanila ang P2-M halaga ng shabu.
STAR/File
3 pusher sa Quezon City, timbog sa P2 milyong shabu
Joy Cantos (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinalaang big time drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa harap ng isang gasoline station, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina John Paul Santos, alyas Ampol, 31, ng Brgy. Rizal, Makati City; Way Ybañez, 29, tubong Batangas at Russel John Solero alyas RJ, 27, ng Brgy. Rizal, Makati City at nasamsam sa kanila ang P2-M halaga ng shabu.

Ayon sa pulisya, alas-9:00 ng gabi nang isagawa ang buy bust operation sa harapan ng Caltex gasoline station sa kahabaan ng Old Cabuyao, Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City at inaresto ang tatlong suspek sa aktong iniaabot ang droga sa poseur buyer ng mga otoridad.

Nakumpiska sa mga ito ang apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na umaabot sa humigit kumulang P2 milyon.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with