Van sinalpok ng trak: Mag-asawa utas, anak sugatan
Joy Cantos (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang mag-asawa habang sugatan naman ang 8-anyos na anak na lalaki makaraang mabangga ang sinasakyan nilang van ng isang rumaragasang truck sa kahabaan ng highway ng Brgy. San Juan, Sta Lucia, Ilocos Sur kamakalawa.

Ang nasawing mag-asawa ay kinilalang sina James Oliver Marzan, isang OFW at misis nitong si Rho Ann; kapwa 34-anyos at residente ng Poblacion West, Pidigan, Abra. Habang nilalapatan ng lunas ang anak nilang si Michael Alfred Marzan.

Sa ulat bago nangyari ang sakuna, alas-6:02 ng umaga sa kahabaan ng highway ng Brgy. San Juan, Sta. Lucia ay lulan ng Nissan van (NDQ-209) ang mag-asawa na minamaneho ng mister nang mabangga sila ng humahagibis na Isuzu dump truck (URV 930) na minamaneho ni Geronimo Valdez Jr, 51sa bahagi ng nasabing highway.

Nagawa pang maisugod ang tatlong biktima pero idineklarang dead on arrival ang mag-asawa habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang sugatan nilang anak.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with