^

Police Metro

2 online drug dealer timbog sa buy-bust

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad sa isang buy-bust ­operation ang dalawang lalaki na umano ay nagbebenta ng mga liquid o injectable na shabu online sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

 Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Mark Kenneth Del Rosario San Juan, alyas Xtian;at Jeffrey Villarin Saclao, kapwa nasa hustong gulang, at mga residente ng Makati City.

Sa ulat ng PDEA, bago naganap ang pag-aresto sa dalawang suspek, dakong alas-12:10 nang madaling araw sa bisinidad ng isang fast food chain sa Guevarra St., Brgy. Highway Hills ay nakabili ang undercover agent ng PDEA mula sa mga suspek ng limang piraso ng heringgilya na naglalaman ng liquid shabu na nagkakahalaga ng P10,000 kaya’t kaagad nang inaresto ang mga ito.

Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang isang pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may street value na P13,600; may 26 pirasong heringgilya na naglalaman din ng liquid shabu, na may sukat na 10.4 milliliters at tinatayang may street value na P52,000; at isang pirasong sterile water bottle, digital weighing scale at marked money.

Ang modus operandi ng mga suspek ay magbenta sa social media ng droga kabilang na ang injectable shabu.

vuukle comment

INJECTABLE NA SHABU ONLINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with