36 Chinese galing Macau, hinarang sa NAIA

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga Chinese passengers ay pinagbawalan makapasok sa NAIA terminal 1 nang dumating ang sinasakyan nilang Philippine Airlines flight galing Phnom Penh, Cambodia.
AFP/Romeo Gacad

MANILA, Philippines — Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 36 Chinese nationals na nagmula sa Macau, na kabilang sa travel ban na ipinatutupad ng pamahalaan dahil sa patuloy na paglaganap 2019 novel coronavirus.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga Chinese passengers ay pinagbawalan makapasok sa NAIA terminal 1 nang dumating ang sinasakyan nilang Philippine Airlines flight galing Phnom Penh, Cambodia.

Hindi sila pinapasok nang malamang galing silang Macau. Nabatid pa na ang mga Chinese ay bumiyahe nang grupo at nagmula sa Macau noong Pebrero 1.

‘Under the travel ban, foreigners will not be allowed to enter the Philippines if within the past 14 days they have traveled either to China, Macau and Hongkong.’ sabi ni Morente.

Napag-alaman ang 36 dayuhan ay pansamantalang inilipat ss Bureau of Quarantine para mainspeksyon at agad pinaalis ng paliparan sakay ng first available flight sa Phnom Penh.

Samantala, inihayag naman ni BI spokesperson Dana Sandoval na nire-require na rin ngayon ng ahensya sa kapwa foreign at Pinoy passengers buhat abroad na kumpletong sagutan at isumite ang kanilang arrival cards habang sumasailalim sa immigration arrival formalities ng BI officers.

Layunin nito na maasistihan ang mga health at police personnel na matukoy ang mga pasahero na nagmula sa mga areas of concern.

Show comments