3 pulis opisyal na naglaro ng golf, sinibak
Sa imbestigasyon na ang tatlong opisyal ay naglalaro ng golf tuwing Martes, Huwebes at pati Miyerkules kapag pakiramdam ng mga ito ay ‘bored’ na sila sa kanilang mga trabaho.
File
3 pulis opisyal na naglaro ng golf, sinibak
Joy Cantos (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen.Archie Gamboa ang tatlong opisyal sa Central Visayas Police matapos lumabag sa patakaran sanhi ng paglalaro ng golf sa oras ng kanilng trabaho.

 Kinilala ang mga sinibak na sina Col. Dennis Artil, Regional Chief Comptroller; Lt. Col. Richard Bad-Ang, Chief ng finance service at Lt. Col. Glenn Mayam, Director ng Regional Drug Enforcement Group (PDEG); pawang ng Police Regional Office (PRO) 7 sa Cebu na nasasaklaw ng Central Visayas Region.

Sa imbestigasyon na ang tatlong opisyal ay naglalaro ng golf tuwing Martes, Huwebes at pati Miyerkules kapag pakiramdam ng mga ito ay ‘bored’ na sila sa kanilang mga trabaho.

Ang dalawa sa nasabing mga opisyal ay nakatakda na sanang ma-promote sa posisyon pero ipinagpaliban ito dahilan sa kanilang mga paglabag.

“Strike one na si Regional Director PRO (Police Regional Office) 7,” pahayag ni Gamboa na ang tinutukoy ay si PRO 1 Director Police Brig. Gen. Valeriano de Leon.

Sinabi ni Gamboa na pinahihintulutan lamang maglaro ng golf ang mga opisyal matapos ang oras ng kanilang trabaho.

ARCHIE GAMBOA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with