African national, 2 pa timbog sa P13.6 milyong shabu
Cristina Timbang (Pang-masa) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang African national na umano’y miyembro ng West African Drug Syndicate (WADS) at dalawang kasamang Pinoy ang naaresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Kingsley Osita Escobi, naninirahan sa Blk 7, Lot 30, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City; Robert Capoy Benamir; at Diomedes Nartes Gonzales.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust ng mga otoridad sa 3 M’s Resto na nasa Coastal Road, Brgy. Talaba 2, Bacoor, Cavite.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspek nang lu­mabas ang mga ope­ratiba sa gitna ng transaksiyon at nakuha sa kanila ang mga pakete ng mahigit kumulang sa dalawang kilo na shabu na nagkakahalaga ng P13,600,000.

WEST AFRICAN DRUG SYNDICATE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with