Trike vs van: 5 utas

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang limang sakay ng tricycle kabilang ang magkapatid na paslit nang mabangga ng kasalubong na van sa national highway, Barangay Sta. Rosa, Mulanay, Quezon kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Manny Reymundo; Benny Jay Reymundo; Cris Bercero at magkapatid na sina Crirjane at Crisjane Reymundo, 8; at 6 anyos.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, alas-8:30 ng umaga ay sakay ang mga biktima sa tricycle na minamaneho ni Manny patungo sa Mulanay town proper nang banggain sila ng San Andres, Quezon bound na van na minamaneho ni Arnel Tesico.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag-overtake ang van sa isang sasakyan sa kanyang unahan at sinakop ang kalyeng dinaraa­nan ng mga biktima at hindi nakapagpreno ang driver na si Tesico kung kayat nasalpok ang tricycle.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi na parang lata ang tricycle sanhi upang magtamo ng ng mga grabeng kapinsalaan sa ulo at ibat-ibang parte ng katawan ang mga biktima na dahilan ng kanilang kamatayan.

Tumakas ang driver ng van na si Tesico na tinutugis na ng mga otoridad.

Show comments