Namatay sa bagyong Ursula, umakyat na sa 41

Ito ang iniulat kahapon ng pamunuan ng National Disaster Risk Reduction Management Council habang mayroon pang 12 katao ang patuloy na pinaghahanap, walo sa mga ito ay mula sa Region 6 habang tig-dalawa naman sa MIMAROPA at Region 8.
Alren Beronio/AFP

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 41 ka­tao ang nasasawi sa paghagupit ng bagyong Ursula.

Ito ang iniulat kahapon ng pamunuan ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) habang mayroon pang 12 katao ang patuloy na pinaghahanap, walo sa mga ito ay mula sa Region 6 habang tig-dalawa naman sa MIMAROPA at Region 8.

Umaabot naman sa P1.074 bilyon ang pinsala sa agrikultura sa par­ting Luzon at Visaya sa pananalasa ng bagyong Ursula base pa rin sa ulat ng NDRRMC.

Nasa 1.6 milyon katao ang naapektuhan ng pa­nanalasa ng bagyong Ursula na anim na beses na naglandfall sa bansa.

Kabilang sa mga naapektuhan ng bagyo ay ang MIMAROPA, Region 5,6,7, 8 at Caraga region.

Umaabot naman sa 24,378 pamilya o kabuuang 97,000 katao ang inilikas sa 529 evacua­tion centers, habang 8,717 pamilya o mahigit sa 38,000 katao ang inilikas din pero sa labas ng evacuation centers bago ito lumanbas noong Sabado.

Show comments