Ginawa ng Pangulo ang pagtatalaga kay Mi­suari sa meeting sa pagitan ng gobyerno at ng MNLF noong Biyernes.
Presidential Photo/Karl Norman Alonzo
Misuari itinalagang special envoy ni Duterte
Malou Escudero (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Special Economic Envoy on Islamic Affairs sa Organization of Islamic Cooperation (OIC) si Nur Misuari, ang nagtatag ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Ginawa ng Pangulo ang pagtatalaga kay Mi­suari sa meeting sa pagitan ng gobyerno at ng MNLF noong Biyernes.

Naniniwala ang Pa­ngulo na mas mapapabilis ang implementasyon ng mga peace agreements at ang mas magkakaroon ng suporta ang bansa mula sa mga Islamic countries dahil kay Misuari.

Ayon pa sa Pangulo, karamihan sa mga lider ng OIC ay kaibigan ni Misuari at malaki ang respeto sa kanya ng mga  ito.

Malugod namang ti­nanggap ni Misuari ang posisyong ibinigay sa kanya ng Pangulo.

Nakatakdang dumalo si Misuari sa annual meeting ng Parliamentary Union ng OIC Member States sa Burkina Faso sa Western Africa sa Enero 21 hanggang 23, 2020.

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT NUR MISUARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with