^

Police Metro

Biyahe ng LRT-1, 2 beses tumirik

Mer Layson - Pang-masa
Biyahe ng LRT-1, 2 beses tumirik
Ayon sa pamunuan ng LRT-1, dakong alas-6:39 ng umaga nang unang magpatupad ng “stop for safety” sa northbound lane o sa biyaheng Baclaran Station to Roose­velt Station bunsod na rin ng isang depektibong tren sa bahagi ng Vito Cruz Station sa Maynila.
Miguel de Guzman/File

MANILA, Philippines – Dalawang beses na tumirik ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kahapon ng umaga.

Ayon sa pamunuan ng LRT-1, dakong alas-6:39 ng umaga nang unang magpatupad ng “stop for safety” sa northbound lane o sa biyaheng Baclaran Station to Roose­velt Station bunsod na rin ng isang depektibong tren sa bahagi ng Vito Cruz Station sa Maynila.

Kaagad namang inasikaso ng maintenance personnel ng LRT-1 ang nasirang tren at kaagad namang naibalik sa normal ang biyahe nito.

Nagpatupad rin sila ng crowd control sa bawat platform ng istasyon ng tren maliban sa priority passengers, gaya ng senior citizen, persons with disa­bility (PWD), buntis at mga may kasamang bata, upang matiyak na magi­ging maayos ang pagsakay ng lahat ng mga pasahero.

Makalipas naman ang ilang minuto ay muling naantala ang biyahe ng LRT-1 matapos magkaaberya ang isang tren nito sa bahagi ng R. Papa Station, sa Maynila dahil nagkaroon ng isyu ang disc pad ng isang tren kaya itinabi muna ito.

Pagsapit naman ng 8:57 ng umaga ay naibalik rin agad sa normal na operasyon ang mga tren.

vuukle comment

LRT-1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with