^

Police Metro

Tamang pasahod ipinaalala ng DOLE

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Tamang pasahod ipinaalala ng DOLE
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat mabayaran ng employers ang kanilang mga manggagawa ng 200 percent ng kanilang suweldo para sa unang walong oras nilang trabaho.
File

MANILA, Philippines — Muling pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa tamang pay rules sa kanilang manggagawa ngayong holiday season.

Sinabi ni DOLE, may limang araw ngayong Disyembre na deklaradong holiday kabilang ang December 8 o Feast of the Immaculate Conception of Mary na isang special non-working holiday; December 24 na Bisperas ng Pasko na isang special non-working holiday; ang araw ng Pasko na isang regular holiday, December 25; December 30 o Rizal Day na isa ring regular holiday at December 31 o Bisperas ng Bagong Taon na isang Special Non-Working Holiday.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat mabayaran ng employers ang kanilang mga manggagawa ng 200 percent ng kanilang suweldo para sa unang walong oras nilang trabaho.

May dagdag naman na 30% sa kanyang hourly rate sa naturang araw ang mangggawa na sumobra sa walong oras ang trabaho.

Kung hindi naman papasok sa trabaho sa araw ng holiday ang manggagawa ay makatatanggap pa rin ito ng buong sahod sa naturang araw.

Sa special non-working holiday naman, ang mga manggagawang magtatrabaho ay kinakailangang bayaran ng dagdag 30 percent sa unang walong oras ng trabaho.

Kapag sumobra naman sa walong oras na trabaho ay babayaran din ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate.

Kapag ang manggagawa naman ay pumasok sa kanyang day off ay dapat bayaran ng karagdagang 50 percent ng kanyang arawang sahod.

vuukle comment

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with