Ex-pulis todas sa QC drug bust
Mer Layson, Joy Cantos (Pang-masa) - December 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang retiradong pulis­ na naging drug pusher ang nasawi nang ma­uwi sa shootout ang buy bust operation kahapon ng ma­daling araw sa Quezon City.

Ang napatay na suspect ay kinilalang si da­ting P/Corporal Tirso Agus­­tin Lactaotao, 48, residente ng Brgy. Bagumbayan, Pililia, Rizal.

Sa ulat, bandang alas-12:25 ng madaling araw nang isagawa ang buy bust operation sa Austria Street, Brgy. Novaliches Proper.

Isinagawa ng PNP-IMEG ang buy bust ope­­­­ration katuwang ang Re­­gional Special Opera­tions Group (RSOG), Na­tional Capital Region Police Office (NCRPO) at Police Regional Office 4A, base sa intelligence report na involved sa recycling ng ille­gal na droga ang suspect sa lalawigan ng Rizal.

Nabatid na ang suspek ay isinailalim sa ma­susing surveillance ope­ration matapos na makatanggap ng impormas­yon sa pagkakasang­kot nito sa illegal na pagtutulak ng droga.

Sa palitan ng putok ay nasapul ng bala si Lac­­taotao na agad isinugod ng mga elemento ng Nova­­liches Police Station (PS)4 sa Novaliches District Hospital pero idineklara itong dead on arrival.

Narekober naman sa operasyon ang isang 9MM Berreta pistol, 3 basyo ng bala, sari-saring­ mga ID’s, 7 sachet ng shabu, dalawang cellphone at P 2,000 cash.

Nabatid na si Lac­tao­­tao ay nag-optional re­tire­­ment na sa serbisyo nitong nakalipas na Nob­yembre ng taong ito.

TIRSO AGUS­­TIN LACTAOTAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with