Chinese nahulog mula sa ika-18 palapag ng gusali

MANILA, Philippines — Isang 21-anyos na Chinese ang nasawi nang ito ay bumagsak mula sa ika-18 palapag ng tinutuluyang condominium sa Malate, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Song Yongxing, tubong Guangdong, China at pansamantalang nanunuluyan sa Unit 1868 Green Residences sa Taft Avenue, Malate.

Sa ulat, nangyari ang insidente, dakong alas- 3:15 ng hapon na kung saan ay nasa terasa ang biktima nang ito ay mahulog sa ground floor.

Patuloy pa ang im­bestigasyon para matukoy kung nagpatiwakal o may foul play sa insidente.

Show comments