Sa pagbubukas ng SEA Games... 6 iskul sa Metro Manila,1 week suspendido

Ito ang inihayag ng Department of Education (DepEd) na ang pagsuspinde ng mga pampublikong paaralan sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Pasig ay itinakda mula Disyembre 2 hanggang 6 dahil ang 43 silid-aralan ng mga naturang paaralan ay ipapagamit sa may 296 drivers na magsisilbi sa SEA Games.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isang linggo na suspendido ang klase ng anim na public school sa Metro Manila kaugnay ng pagbubukas bukas ng 30th Southeast Asian Games sa bansa.

Ito ang inihayag ng Department of Education (DepEd)  na ang pagsuspinde ng mga pampublikong paaralan sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Pasig ay itinakda mula Disyembre 2 hanggang 6 dahil ang 43 silid-aralan ng mga naturang paaralan ay ipapagamit sa may 296 drivers na magsisilbi sa SEA Games.

Kabilang sa mga na­turang paaralan na wa­lang pasok ay ang Aurora A. Quezon Elementary School sa Maynila; Gotam­co Elementary School, Andres Bonifacio Elementary School, at Rafael Palma Elementary School sa Pasay City at ang Oranbo Elementary School at Bagong Ilog Ele­mentary School sa Pasig.

Ang class suspension ay base na rin sa kahilingan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), na siyang nangangasiwa sa SEA Games.

Ang SEA Games ay magsisimula bukas, Nobyembre 30 at magtatapos sa Disyembre 11.

Show comments