2 rider dedo sa salpukan

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Benjamin Mallari Jr., 22, driver ng kulay itim na Yamaha Mio Soul 125 motorcycle at Raffy Ca­balic, 22, driver naman ng kulay asul na Rusi 150 motorcycle.
File

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang da­lawang motorcycle ri­ders makaraang aksidenteng magbanggaan ang kanilang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng national road, Brgy. Bolaney, Alaminos City, Pangasinan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Benjamin Mallari Jr., 22, driver ng  kulay itim na Yamaha Mio Soul 125 motorcycle at Raffy Ca­balic, 22, driver naman ng kulay asul na Rusi 150 motorcycle.

Sa ulat ng Pangasinan Police, bago nangyari ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng national road, Brgy. Bolaney, Alaminos City, Pangasinan ay kasaluku­yang bumabagtas ang motorsiklong minamaneho ni Mallari sa nasabing lugar patungo sa hilagang direksyon nang makabanggaan ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Cabalic.

Sa lakas ng banggaan ay kapwa tumilapon sa motorsiklo ang dalawang driver na kapwa nagtamo ng malulubhang sugat sa katawan.

Ang dalawang driver ay naisugod pa sa Western Pangasinan District Hospital, subalit kapwa sila idineklarang dead on arrival.

Show comments