Mister binoga paglabas ng bahay, patay
Joy Cantos (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang biktimang si Lorenzo Solis ng Central 1, Brgy. Inarawan nang ito ay barilin ng dalawang beses sa ulo ng isang lala­king nakamotorsiklo ha­bang papalabas sa kanyang bahay sa Antipolo City, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Antipolo City Police, naitala ang krimen, alas-7:05 ng gabi sa harapan mismo ng bahay ng biktima habang papalabas ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang salarin na walang sabi-sabing pinaputukan sa ulo.

Ang biktima ay duguang bumulagta na binawian ng buhay noon din sa insidente kung saan nagresponde ang pulisya sa crime scene pero hindi na inabutan ang salarin.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with