Iginiit ni Salceda na ang nasabing koleksyon ay malayo sa collection target na P2 bilyon mula sa withholding taxes ng mga manggagawa ng POGO na aabot sa P24 bilyon kada taon.
AFP
POGO ipapasara kapag ‘di nagbayad ng buwis
Gemma Garcia (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapag hindi nagbayad ng buwis sa gobyerno ay nagbanta ang ilang lider ng Kamara na ipapasara ang Philippine Offshore Ga­ming Operations (POGO).

Ginawa nina House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda at House Minority leader Benny Abante Jr., ang banta matapos na iulat ng Bureau of Internal Reve­nue (BIR) na nakakolekta sila ng P1.79 bilyon mula sa POGOs simula sa unang siyam na buwan ng 2019.

Iginiit ni Salceda na ang nasabing koleksyon ay malayo sa collection target na P2 bilyon mula sa withholding taxes ng mga manggagawa ng POGO na aabot sa P24 bilyon kada taon.

Nilinaw naman ng BIR na tumaas ng P1.4 bilyon ang ang koleksyon nia ng September kumpara noong Agosto.

Kasalukuyan ay mayroong 218 POGO services providers at 60 Pagcor re­gistered POGOs ang nag o operate sa bansa.

PHILIPPINE OFFSHORE GA­MING OPERATIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with