Idinagdag pa ni Pa­nelo, kung mangangaila­ngan ng karagdagang pondo si Robredo para tuparin ang kanyang pagi­ging drug czar ay ibibigay ito ng Malacañang.
Boy Santos
Malacañang ‘di kokontrahin ang pagbasura ni Robredo sa ‘Oplan Tokhang’
Rudy Andal (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang itinalagang drug czar ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo ay hindi kokontrahin ng Malacañang ang planong pagbasura nito sa “Oplan Tokhang”.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, lahat ng kinakailangang pagbabago sa diskarte sa paglaban sa illegal drugs ay ipinagkaloob ng Pa­ngulong Duterte kay VP Robredo nang italaga niya itong co-chair ng Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD).

“Kung sa tingin niya (VP Robredo) ay me­ron lang mas effective sa Tokhang e di gawin niya,” wika pa ni Sec. Panelo sa Malacañang reporters nang tanunging hinggil sa planong pagbasura ng bise-presidente sa Oplan Tokhang.

Idinagdag pa ni Pa­nelo, kung mangangaila­ngan ng karagdagang pondo si Robredo para tuparin ang kanyang pagi­ging drug czar ay ibibigay ito ng Malacañang.

Bukod dito ay hindi rin sosoplahin ng Palasyo ang plano ni Robredo na hingin ang tulong ng Estados Unidos sa paglaban sa illegal drugs.

OPLAN TOKHANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with