Judges bigyan ng security force

Tulad sa US Marshal Service...

MANILA, Philippines — Nais ni Chief Justice Diosdado Peralta na magkaroon ng security force na magbibigay seguridad sa isang hukom.

Ang kahilingang ito ni Peralta ay bunsod nang sunud-sunod na pamamaslang sa mga hukom.

Ayon kay Peralta, ilang grupo na rin ang nagkukumbinsi sa  Korte Suprema na magkaroon ng security force  na tulad ng United States Marshals Service matapos ang pamamaslang kina Judge Mario Anacleto Bañez ng  La Union at dating Judge Exequil Dagala na inambush sa Siargao noong nakaraang linggo.

Bagama’t may sari­ling security si Peralta ay hindi naman maaa­ring mang-aresto at mag-imbestiga at ang nais nilang security ay tulad ng power ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Nais niyang magkaroon ng authority ang judicial marshals na umaresto at mag-im­bestiga at hindi na kailangan pang dalhin ang kaso sa istasyon ng pulis.

Umaasa si Peralta na matutulungan sila ng Kongreso na maisakatuparan ito.

Show comments