2 pusher dedo sa drug-bust

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang drug pusher na sina Mark Panganoron at Mark Anthony Mallares, kapwa residente ng Brgy.

Gaya-Gaya nang ito umano ay manlaban sa isang buy-bust operation sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Nabatid, ala-1:15 ng mada­ling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa isang bahay na matatagpuan sa Lot 46, Blk. 2 Towerville 6F ng nasabing barangay.

Sa halip umanong sumuko ay nanlaban umano ang mga ito kaya’t napatay.

Show comments