Motor sumalpok sa poste: 2 dedo
Jorge Hallare (Pang-masa) - November 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang rider at angkas­ nito nang sumalpok ang kanilang mo­torsiklo sa kongkretong poste ng kur­yente at nahulog pa sa malalim na kanal, kamakalawa sa Purok-1, Brgy. San Vicente, Tabaco City, Albay.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jolito Broncate Borlagdan, 24; at angkas nitong si Edsel Monhit Broncate, 30, pawang residente ng Brgy. Magapo.

Sa ulat, bago naganap ang aksidente, alas-3:00 ng madaling araw ay mabilis na binabaybay ng motorsiklo ang kahabaan ng kalsada ng nasabing barangay nang mawalan ng kontrol sa ma­nibela si Borlagdan at bumangga sa poste ng kuryente ng APEC.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima at parehong na-swak sa malalim at konkretong kanal.

Nadala pa sa ospital ang dalawa, subalit idineklarang dead-on-arrival.

JOLITO BRONCATE BORLAGDAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with