5 tiklo sa P1.3-M shabu
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang drug suspect ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy-bust operation at nasamsam sa kanila ang nasa P1.3 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Noe Esplanada; Jericho Buracan; Jamel Modi, alyas “Jam”, at sina alyas “Bibe”, 17 at alyas “Jana”, 16.

Sa ulat, alas-10:45 ng gabi nang magkasa ang mga otoridad sa may Phase 7C, Kaagapay Road, Brgy. 176 Bagong Silang nang makabili ang poseur buyer ng isang plastic sachet ng shabu kina Esplanada at Buracan sa halagang P500. 

Nang maisakatuparan ang bentahan ay dito na sumulpot ang nakaantabay na mga pulis at inaresto ang dalawang tulak habang inaresto rin sina Modi at dalawang menor-de-edad na bumibili rin ng droga.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with