Sa ulat ng Navotas City Police, alas-7:00 ng gabi ay mag-isang hinihintay ng biktima na itinago sa pa­ngalang “Charm”, 23, ang kanyang nobyo sa tapat ng kaniyang bahay sa may Dagat-Dagatan sa Brgy. NBBS nang dumating ang suspek na si Quirino at sapilitan siyang kinaladkad hanggang sa ipasok sa isang bahay.
File
Dalaga naghihintay sa nobyo, ginahasa ng mangingisda
Danilo Garcia (Pang-masa) - October 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang paghihintay ng isang dalaga sa kanyang nobyo matapos na siya ay kaladkarin at gahasain ng mga mangingisda sa isang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Agad din naaresto sa follow up operation ang mga suspek na sina Francis Tabangey, 23 at Limar Zumanga, 23, kapwa mangingisda at nakatira sa Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod. Habang pinaghahanap pa ang ikatlong suspek na si Neil Francis Quirino, 25, na siyang gumahasa sa biktima.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-7:00 ng gabi ay mag-isang hinihintay ng biktima na itinago sa pa­ngalang “Charm”, 23, ang kanyang nobyo sa tapat ng kaniyang bahay sa may Dagat-Dagatan sa Brgy. NBBS nang dumating ang suspek na si Quirino at sapilitan siyang kinaladkad hanggang sa ipasok sa isang bahay.

Dito naghihintay sina Tabangey at Zumanga na tumulong para tuluyang maipasok ang biktima sa loob ng isang kuwarto at doon siya matagumpay na ginahasa ni Quirino.

Matapos na makaraos, pinayagan naman ang biktima na makalabas ng bahay kaya agad siyang nakapagsumbong sa kaniyang nobyo na naghahanap sa nawawalang nobya. 

Mabilis silang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek habang tuluyang nakatakas si Quirino.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with