Paslit nalunod sa kiddie pool
Raymund ­Catindig, Victor Martin (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 4-anyos na batang babae ang nasawi matapos malunod sa kiddie pool ng isang resort sa Brgy. Caggay, Tugue­garao City, Cagayan, kamakalawa.

Sa report na nakara­ting kay City Chief of Police Lt. Colonel George Cablarda, isinama ng kanyang ama si Kasandra Kate Caronan sa pagtitipon ng mga katrabaho sa Chateau Leonor Resort at iniwan ito sa dalawang talampakan na lalim na kiddie pool na may dalawang paslit na nagtatampisaw dakong alas-7:45 ng umaga.

Ayon sa report, lingid sa ama na natagpuan na lamang ng mga tao sa resort na wala nang ulirat na nakahilata ang bata sa pool makalipas ang 15 minuto.

Binigyan ng CPR ng mga sumaklolo ang biktima saka isinugod sa isang pribadong ospital kung saan idineklarang patay ang paslit.

Sinisiyasat ngayon ng otoridad ang mga lifeguard sa resort kung bakit hindi nila napuna ang insidente habang pinag-aaralan ang isasampang kaso laban sa resort dahil sa kapabayaan.

KIDDIE POOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with