Birthday boy, tinodas ng pamangkin

MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na con­s­truction worker ang pi­nag­­­sasaksak ng kanyang pamangkin sa gitna ng ka­nilang inuman bilang se­lebrasyon ng kaarawan nito kamakalawa ng gabi sa ka­nilang bahay sa Purok-4, Brgy. San Ramon, Daraga, Albay.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City dahil sa malalim na saksak sa likod ay kinilalang si Reymark Felicia Sevilla.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Jericho Aquino Sevilla, 22, pa­wang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, alas-8:00 ng gabi ay nag-iinuman ang bik­­tima at ilang kaanak at ka­ibigan kasama ang suspek bilang bahagi ng kanilang birthday celebration nang magkaroon ng pagtatalo ang kakambal ng biktima na si Raymund at Carlo.

Sa gitna nang pagta­talo ay pumagitna ang bik­­tima para sawayin ang kanyang­ mga kapatid pero aksiden­teng nasuntok nito si Aquino.

Nagalit si Aquino at umuwi sa kanilang bahay at pagbalik ay armado na ng patalim at biglang inun­dayan ng saksak sa likod ang tiyuhin.

Show comments