Hazing mawawala kung ipagbabawal ang fraternity - Duterte

Sinabi ni Pangulong Duterte na maging siya ay dumaan sa hazing at naospital sa loob ng 3 araw dahil sa massive hematoma.
Albert Alcain/Presidential Photo

MANILA, Philippines — “Mawawala lamang ang hazing kung tuluyang ipagbabawal na ang fraternity sa bansa”.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa media interview bago ito umalis patu­ngong Russia kamakalawa ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Sinabi ni Pangulong Duterte na maging siya ay dumaan sa hazing at naospital sa loob ng 3 araw dahil sa massive hematoma.

“Alam mo, I don’t know what but that is a permanent insanity sa mga ganun. Lahat kami dumaan ng… Me, I’d like to tell you, I was hospitalized for three days, massive hematoma. Then at one time, in our --- ako, si Justice [Bojie?] Santos ng Supreme Court, at saka si Bambit Mendoza, another classmate of mine, dalawa ‘yan sila --- we wrote our fraternity and asked earnestly to do away with the physical. Wala rin eh. Hindi mo talaga maalis ‘yan,” paliwanag pa ng Pangulo.

Aniya, tutol siya sa barbarikong pagpaparusa sa mga neophytes at maging sa plebo sa PMA dahil dapat ay hindi aabot sa kamatayan ang hazing. 

Show comments